At ng bumoses na ang taong bayan, Sila'y nilabas ang kanilang kayamanan. Na galing sa dugo't pawis ng mga mamamayan, Upang nakawin ang kanilang karapatan. Hindi maigapos ang dalawang maduming palad Sapagkat kusang binibigay ang susi na kanilang hangad Ebidensiyang kita sa kanilang mamahaling gamit Hindi magamit upang hustisiya'y makamit Habang ang iba ay nagdududasa sa baba Nagtitiis sa kakarampot na tulong mula sa pilang mahaba Na hindi naman dapat kung naiwasan lang ang baha At ang nasa taas—komportable sa tahanang sa dekalidad na materiyal ay gawa. Sa gobyernong ang hustisya ay para lang sa may kaya Magwawagi ba ang lipunang nakakulong at walang laya? Sa paghihintay ay napuno ng poot, di napigilang gumamit ng dahas Ng nga mamamayang lumalaban ng patas Ito naman talaga ang nararapat. Ang pera ng bayan ay ating karapatan. Tayo ang nagtalaga,tayo din ang bubuwag. Sapagkat pinatatahimik nila ang ating sigaw.

Comments(0)

0/500
No comments at this point, please be the first to comment on this post.