Profile picture of user: matchajane

matchajane

4w©

Sinta, nasaan kana? Nakikiusap ako, umuwi kana, Nais na kitang yakapin at makita, Nais kong iparamdam ang aking pagmamahal, O Sinta. Bakit wala ka pa? Isang palaisapan sa akin kung bakit nawala ka, Mahigpit ba ang aking pagyakap sa puntong ikaw ay nasasakal na? Nais ko lang naman na maramdaman mo ang init ng aking pag-ibig, Sinta, Pakiusap, ang iyong puso’y huwag mong isara, Ako’y nagmamakaawa. Kung hindi mo nais sa aking pusong hinahanap ka, Isama mo na lang ako sa iyong mundo—kung saan tayo’y magsasama, Nais kong mabuhay sa iyong mundo—nangangarap na sana ako ay mahal mo pa, Huwag mo akong iwan dito nang mag-isa, Dahil ako’y nangungulila na. Sinta, nais kong tandaan mo na inibig at patuloy na ibibigin kita. - MJ

Comments(0)

0/500
No comments at this point, please be the first to comment on this post.